​Bilang isang bayan na nakaranas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa ating nakaraan, akala ko mas magiging bukas ang ating isipan, na mas madali nating tatanggapin ang bagong realidad ukol sa ating mga kapatid na iba sa nakasanayan ang kasarian. 
Noong panahon ng mga Espanyol, itinuring tayong bobo’t boba, bilang pangalawang uri ng tao. Indio, Negrito, Unggoy. Sakit diba. 
Noong panahon ng mga Amerikano, itinuring po tayong mga alalay, mga taong kasangkapan sa pangarap ng Estados Unidos na pamunuan ang Asya, at makipagsabayan sa pagpapalawak ng kolonya sa mga Briton. 
Ganoon din noong panahon ng mga Hapones, kung saan nag mistulang langgam tayo sa tingin ng mapanakop na imperyo, isang bayan na kailangang tapakan para mapatunayan ang lakas militar. 
Ngayon naman, ang bansang Tsina, na mahigpit na naniniwala na sila ang may ari ng karagatan at mga isla natin sa Kanluran, ay inaabuso ang kanilang kakayahang militar para unti-unting angkinin ang mga nasabing pagmamay ari ng Pilipinas. 
Hindi ba masakit, na dahil hindi lang naayon sa kanilang paniniwala ang  buhay mo, ang tingin na nila sayo ay hindi na tao? 

Wag na natin isipin ang kasarian (girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy) ang relihiyon (Katolisismo, Islam, Kristyanismo at Atheist at Kuyaist), at wag na nating idamay si Manny, si Vice Ganda, si Boy Abunda, si Perez Hilton at si Piolo Pascual (LOL jokes lang po).
Isipin na lang natin, ‘karapatan’.
Karapatan na may limitasyon, na may kaakibat na responsibilidad at pananagutan. 
Hindi ba karapatan ng mga kapwa nating Pilipino (o ayon sa joke, half-pinoy/half-pinay), na kung sila ay nasa tamang edad, tamang pag iisip, at talagang may pagnanais na harapin ang buhay bilang mag may-bahay, ay dapat na silang ikasal sa mata ng batas? 
May ikababawas ba sa pagiging tao mo ang pagpapakasal nila?
May namamatay bang bata sa pagtatalik nila?
May nananakawan ba? Nababaril? Na-hoholdap? Naloloko? Nakokorap na pondo ng bayan?
Wala diba? Sila lang naapektuhan ng kanilang pag iisang dib-dib.(may green joke dito e)
Hindi kayo, hindi kami, hindi ikaw hindi ako.

Ilagay mo ang sarili mo sa sapatos nila kapatid. 
Paano, kung dumating ang panahon na ipagbawal ang pananampalataya? na ipasunog lahat ng libro ukol sa Diyos? Anong magiging pakiramdam mo, kung sakali na ang pananampalataya mo, na wala namang ibang naapektuhan kung di ang relasyon mo sa Diyos, ay ipinagbawal sa iyo dahil hindi ito naayon sa paniniwala ng iba? Naging isyu na yan noon, hindi malabong mangyari ulit. (Kawawang mga Hudyo).

Sa tingin nyo, gusto ng LGBT community na tumiwalag kayo sa pagsasaFacebook ng inyong paniniwala? (huwag ho matamaan, kung hindi totoo)
Hindi, ang ipinaglalaban nila, (o ang tinatalak nila hahaha), ay ang karapatang ikasal sa ilalim ng batas. 
Hindi ba meron ka non? Bakit sila ayaw mo magkaroon?
Bow. 
Sagot mo, malamang Edi Wow.

Posted on Facebook, February 19, 2016.

Dagdag na mula sa Internet:

If one can’t be gay because it’s against your religion, then don’t eat a donut because that same guy is on a diet. 

Advertisements